PNP Chief Dela Rosa, naniniwalang may kinalaman sa droga ang assassination plot ng Maute Group laban sa kanya

by Radyo La Verdad | March 1, 2017 (Wednesday) | 1866


Idinetalye ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang umano’y tangkang pagpatay sa kanya ng Maute Group.

Nangyari ito noong January 25 nang dumalo siya bilang guest speaker sa isang event sa kanyang alma mater na Mindanao State University sa Marawi City.

Bukod sa pagbaril, pinlano rin umano ng grupo ang pagpapasabog sa kanyang sasakyan.

Nakumpirma ang umano’y pagtatangka sa kanyang buhay nang maaresto ng mga otoridad ang isang eyemen alonte na umano’y miyembro ng Maute Group.

Ikinatuwa naman ng hepe ng Pambansang Pulisya na hindi nagtagumpay ang masamang plano Maute Group.

Kumbinsido ang heneral na may kinalaman sa droga at trabaho ang motibo ng planong asasinasyon.

Tiniyak naman ng PNP Chief na hindi siya natatakot at mas lalo pang hihigpitan ang kampanya kontra droga at mga terorista.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,