PNP Chief Dela Rosa, ipinagtanggol ang mga pulis sa madugong operasyon sa brgy. 19 Tondo, Manila noong Oct. 11

by Radyo La Verdad | November 30, 2017 (Thursday) | 2598

Wala pang nakikitang masama si PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa sa ginawa ng mga pulis na nag operate sa brgy. 19 Tondo, Manila kung saan tatlo ang namatay.

Gayunman, sinabi ni Bato na pinaiimbestgahan na niya ito sa Internal Affairs Service upang malaman kung dapat na masuspendi o marelieve ang mga ito sa pwesto. Dagdag ni Bato, may malisya sa “timing” o panahon ng paglalabas ng video.

Aniya, noong Oct.11 pa ito nangyari subalit ngayon lang inilabas kung kailan naman nais na ng Pangulo na ibalik sa PNP ang war on drugs.

Halata din aniyang inedit ang video upang palabasin na masama ang mga pulis. Pati aniya ang ginawang pagchi-check ng pulis sa CCTV kung commercial o sa barangay ay binigyan din ng malisya.

Sinabi pa ni Bato na maging ang pagpapaalis sa mga tao sa paligid ay binigyan din ng masamang kahulugan.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,