Bineberipika pa ng Philippine National Police Crime Laboratory kung ang pugot na ulo na natagpuan sa Jolo, Sulo noong lunes ng gabi ay sa Canadian national na si Robert Hall na binihag ng Abu Sayyaf.
Sa ngayon ay isailalim ito sa forensic exam at DNA testing sa PNP Crime Laboratory.
Ayaw munang kumpirmahin ng PNP kung ito nga si Hall.
“If it is the head only wala yung trunk we will identify through DNA and we compare that to the immediate relatives pero kung nandyan pa ang trunk ang ideal pa ang specimen kukunan namin finger print. This is a beheading we do not treat this case as an ordinary one so kailangan gawin namin yung tamang proseso para ma-identify ito.” Pahayag ni PNP Crime Laboratory, Director PC/Supt Emmanuel Aranas.
Si Robert Hall at tatlong iba pa ay kinidnap ng mga bandidong Abu Sayaff sa Samal Island noong isang taon.
(UNTV RADIO)
Tags: Philippine National Police Crime Laboratory, Robert Hall