PNP Anti-Kidnapping Group, nagbabala sa bagong estilo ng mga kidnappers

by Radyo La Verdad | January 30, 2018 (Tuesday) | 3509

Dalawang Chinese national ang naaresto ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group matapos na dukutin umano ang dalawang sarili nilang kababayan.

Ayon kay PNP-AKG Director PSSupt. Glen Dumlao, bago ang estilo ng mga kidnappers na sina Weitao Luo alyas Tommy at Cheng Liu alyas Zhou Kun o Mike.

Base sa salaysay ng biktimang si Kaye Liu, nirecruit siya ng mga suspek bilang interpreter sa isang kumpanya subalit nang makipagkita siya noong Jan. 25 ay isinakay sya sa Grab patungong Ternate, Cavite.

Agad namang nagsumbong sa AKG ang grab driver na naghatid sa mga suspek sa isang beach sa Ternate, Cavite. Nakapagbigay ang asawa ni Kate sa mga suspek ng mahigit P900 libong piso.

Sinabi SSupt. Dumlao na hindi ito ang unang pambibiktima ng mga suspek dahil isang Chinese din na nagngangalang Kuangdi Shi ang nirerecruit bilang investor ng mga suspek. Nahingan ang pamilya ni Shi ng nasa P2.4 M nang kidnapin ito noong January 18.

Paalala ng AKG sa mga publiko maging sa mga dayuhan sa bansa, mag-ingat sa iba’t-ibang estilo ng mga kidnappers at huwag agad magtitiwala sa mga hindi kakilala.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,