Sinagot ni Executive Secretary Paquito Ochoa ang liham ni Senate President Franklin Drilon kaugnay sa Subpoena Duces Tecum na ipinalabas ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs para kay Pangulong Benigno Aquino III at Napoleon Nazareno, Chief Executive Officer ng Smart Communications Incorporated
Nakasaad sa subpoena na isumite ng Smart sa Senado ang mga sumusunod na dokumento:
1.Ang transcript ng palitan ng SMS sa mobile phone 09189268181 mula ala-5:00 ng madaling araw hanggang ala-7:00 ng gabi noong Enero 25, 2015.
2.Ang transcript ng palitan ng SMS sa numerong nakarehistro kay resigned PNP Chief Alan Purisima
Para ipakita ang sinseridad at transparency, sinabi ni Ochoa sa liham na isasantabi ng Pangulo ang executive privilege at binigyan nito ng otorisasyon ang Smart na magpadala ng kopya ng transcription maliban lamang sa mga bahagi na walang kinalaman sa isyu o may kaugnayan sa national security.
Tags: Alan Purisima, Franklin Drilon, Noynoy Aquino, Paquito Ochoa, Smart