Dapat ituloy na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang plano na alisan ng committee chairmanship ang mga miyembro ng Super Majority Coalition na bumuto laban sa Death Penalty Reimposition Bill.
Ayon kay Magdalo Party List Rep. Gary Alejano, posibleng makaapekto sa kredibilidad ng liderato ng Kamara kung ipagpapaliban ito.
Lalabas din aniyang pananakot lang ang ginawa ni Speaker Alvarez upang makakuha ng boto sa kanyang isinusulong na panukalang batas.
Sinabi naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tuloy ang reshuffle ngunit ipinapaubaya na niya kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas ang pagpapatupad nito.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: ilang committee chairmanship, Lower House, Magdalo Rep. Gary Alejano