Planong pagsasagawa ng botohan sa mga mall, idinepensa ng COMELEC

by Radyo La Verdad | April 21, 2016 (Thursday) | 4087

dating-COMELEC-Commissioner-Gregorio-Larrazabal
Iligal para kay dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal ang hakbang ng Commission on Elections na ilipat ngayon sa mga mall ang ilang voting precincts dahil aniya, ayon sa batas hindi maaring maglipat ng presinto, 45 araw bago ang halalan.

Giit ni Larrazabal wala ring inilalabas na resolusyon ang COMELEC En Banc na nagpapahintulot sa mall voting at kung alin aling mga presinto ang apektado.

Aniya nakababahala kung ipipilit ang isang iligal na hakbang dahil maaring mabalewala ang boto ng mga botante na boboto sa mga mall at lilikha ng massive disenfranchisement.

Subalit ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, March 10 pa aprubado ng en banc sa pamamagitan ng isang resolusyon ang paglilipat ng mga presinto sa mall kung saan nakapagdaos na ng mga public hearing ang COMELEC kasama ang mga maapektuhang botante at kinatawan ng mga political parties.

1,592 katumbas ng 337 clustered ang ililipat sa 86 na mall.

230 libong botante ang masasaklaw ng mall voting.

Ayon kay Bautista, batay sa pag aaral ng COMELEC may sapat na legal na basehan ang pagdaraos ng halalan sa mga mall.

Dati na ring nagsagawa ng mall voting ang COMELEC noong 2013 para sa mga persons with disabilities at senior citizens.

Tags: , ,