Pinsala ng Bagyong Ompong, umakyat na sa P18B

by Radyo La Verdad | September 24, 2018 (Monday) | 5596

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Manangement Council (NDRRMC), labing apat na bilyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura habang mahigit apat na bilyong piso naman sa imprastraktura.

Pero sa panayam ng programang Get it Straight with Daniel Razon kanina, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na aabot na sa labing anim na bilyong piso ang pinasala ng bagyo sa agrikultura.

Pupulungin naman ni Piñol ngayong araw ang mga gobernador ng mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ompong para pag-usapan ang mabilis na rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.

Tags: , ,