Pinsala ng bagyo at habagat sa Cavite, umabot na sa mahigit P30M

by Radyo La Verdad | July 25, 2018 (Wednesday) | 5159

Bagaman humupa na ang baha sa malaking bahagi ng Cavite, nanatiling lubog pa rin ang ilang bahagi ng Naic at Ternate.

Ito ay matapos ang mga pag-ulang dulot ng Bagyong Josie at pinalakas na habagat noong weekend.

Kabilang sa mga nakaranas ng matinding baha ay ang Bacoor City, Imus City, Ternate, Noveleta, Naic at Tanza.

Sa ngayon, unti-unti nang nakababangon ang lalawigan.

Ayon kay Governor Jesus Crispin Remulla, aabot sa tatlumpung milyong piso ang pinsala ng bagyo at maaring tumaas pa ito habang patuloy ang ginagawang assesment ng lokal na pamahalaan.

Malaking tulong naman ang maagang pag-abiso at pagpapalikas sa mga nasa flood prone areas kayat walang naitalang casualty sa lalawigan.

Sa ngayon ay balik na sa normal ang klase sa mga paaralan. Magsasagawa naman ng make-up classes para makahabol sa naiwang aralin ang mga estudyante.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,