Pinanggalingan ng Bird flu virus, tututukan ng DA at DENR

by Radyo La Verdad | August 23, 2017 (Wednesday) | 4635

Tututukan naman ngayon Department of Agriculture ang pag-iimbestiga kung paano napunta sa San Luis, Pampanga at dalawang bayan sa Nueva Ecija ang Bird flu virus.

Ayon sa Bureau of Animal Industry, may makakatulong silang experto mula pa sa ibang bansa. Una nang sinabi ng DA ang mga posibilidad kung paano nagroon ng Bird flu sa Pilipinas. Gaya ng migratory birds at smugling ng mga pecking duck at manok na galing China.

Pero ayon sa Biodiversity Management Bureau o BMB, tila maliit na ang tsansa na ang mga migratory bird ang maydala nito dahil mula Setyembre hanggang Marso lamang namamalagi ito sa bansa.

Ayon pa sa DA, Abril nang unang nangamatay ang mga manok sa San Luis ngunit nitong Agosto lamang ito naiulat sa kanila. Ayon pa sa BMB ng DENR, ang mga migratory bird ay nanggagaling sa Northen Hemisphere gaya ng China, Russia at Korea.

Isa sa mga pangunahing destinasyon nito sa bansa ay ang Candaba Swamp sa Pampanga na malapit lamang sa San Luis Pampanga. Kaya sa ngayon ay tinitingnan din ng BMB ang smugling ng mga alagang hayop.
Pinag-aaralan na rin ngayon ng BMB kung aalisin na rin nito ang ban sa pagbyahe ng mga bird pet gaya ng parrot palabas ng Luzon.

Hinihintay na lamang anila nila ang kopya ng Admnistrative Order ng DA na nag-aalis naman sa ban sa pagbiyahe ng mga poultry product palabas din ng luzon.
(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: , ,