Pinakamataas na temperatura sa Metro Manila, naitala sa 36.2 °C ngayong araw

by dennis | April 18, 2015 (Saturday) | 2905
FILE PHOTO: Mga naglalakad sa ilalim ng tirik na araw. (PHOTOVILLE International)
FILE PHOTO: Mga naglalakad sa ilalim ng tirik na araw. (PHOTOVILLE International)

Umabot sa 36.2 degrees Celsius (°C) ang temperatura sa Metro Manila na pinakamataas na naitala simula Enero 2015.

Naitala ng PAGASA-DOST ang naturang temperatura kaninang ala 1:50 ng hapon sa Science Garden sa Quezon City.

Na-break nito ang naunang record na 35.9 °C na naitala lamang kahapon, araw ng Biyernes.
Ayon pa sa PAGASA, posible pang uminit pa sa 36.2 °C sa mga susunod na araw.

Ang pinakamainit na temperatura na naitala sa Metro Manila ay 38.5 °C noong Mayo 14, 1987.

Tags: , , , ,