Pinakamahal na pares ng sapatos sa buong mundo, nagkakahalaga ng mahigit 754 million pesos

by Radyo La Verdad | December 1, 2017 (Friday) | 5054

Mula sa mamahaling metal, ginto, diamante at leather, ginawa ng isang designer mula sa UK na si Debbie Wingham ang pinakamahal na pares ng high-heels sa buong mundo.

Mayroong itong tatlong karat ng pink, isang karat ng blue at apat na karat ng flawless diamonds. Ang zipper at swelas nito ay gawa sa solid gold at pintado ng dalawampu’t apat na gold ang pinakaleather nito. Ultimo sinulid na ginagamit sa pagtatahi nito ay gawa sa labing walong karat na ginto at maging ang loob ng sapatos ay yari rin sa ginto.

Si Wingham ay kilala sa kaniyang mga gawa na most expensive dress, most expensive red diamond at most expensive cake sa buong mundo.

Tags: , ,