Pinakamababang presyo ng bigas, aabot lamang ng P27.50 per kilo sa ngayon ayon kay Sec. William Dar

by Radyo La Verdad | June 22, 2022 (Wednesday) | 8585

METRO MANILA – Inihayag ni Outgoing Agriculture Secretary William Dar na maaari lamang umabot sa P27.50/kilo ang pinakamababang presyo ng bigas na maaaring ipatupad sa ngayon.

Ngunit ayon sa kalihim, sa ngayon ay sinimulan na nila ang pagbuo ng mga konsepto kung papaano mapababa sa P20 ang kada kilo ng bigas.

Kabilang na rito ang pagbuhay sa Masagana 99, ang programa noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Senior kung saan 99 na kaban kada ektarya ang kinakailangan maani sa tulong ng mga makabagong makinarya.

“The nearest we can do by now, I can be given other figures if you have better way of doing it P27.50 is the nearest, so that must be the aspiration there before. Now, let’s go beyond that aspiration. So for inbred rice meron kaming konseptong Masagana 150” ani Department of Agriculture Sec. William Dar.

Tags: ,