Pilipinong HIV patients na sumasailalaim sa Anti-Retroviral Therapy o ART ng DOH, nasa mahigit 30% lamang

by Radyo La Verdad | January 29, 2018 (Monday) | 4732

Libre ang gamutan sa mga People living with HIV o PLHIV sa bansa sa pamamagitan ng Anti- Retroviral Therapy o ART ng Department of Health.

Ngunit sa tala ng kagawaran noong November 2017, mahigit 67, 000 ang mayroon ng naturang sakit sa bansa, nasa tatlumpong porsyento lamang o nasa 24,311 ang sumasailalim sa libreng gamutan.

Ayon sa ilang non-governmental organization o NGO na katulong ng DOH sa pagbibigay ng ayuda sa mga taong may HIV, isa sa mga sanhi nito ang social stigma o ang pagdiscriminate sa isang tao dahil sa kanyang kalagayan.

Ayon kay Rogeselle, ang program director ng The Red Ribbon Foundation, dumadating sa punto na mismong mahal sa buhay ng HIV patients ang nagtatakwil sa kanila. Kaya panawagan nila sa publiko, huwag layuan ang mga taong may sakit na HIV.

Patuloy naman na hinihikayat ng grupo ang mga taong infected ng HIV na magpagamot. May regular at weekly counselling din silang ibinibigay upang  matulungang magpatuloy sa buhay ang mga PLHIV na napanghihinaan na ng kalooban.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,