Pilipinas, posibleng makapagtala na lang ng 5,000 kaso ng COVID-19 sa katapusan ng Pebrero – Octa

by Radyo La Verdad | February 2, 2022 (Wednesday) | 3237

METRO MANILA – Simula noong January 5, mahigit 10,000 kaso ng COVID-19 kada araw ang naitatala sa bansa dahil sa surge na dulot ng omicron variant of concern.

Ngunit pagkatapos umabot noon sa halos 40,000 COVID-19 cases, kalahati na ngayon ang ibinaba ng kaso.

Ayon sa Octa Research Team, namo- monitor nila na pababa na ang postivity rate o bilang ng mga nagpo- positibo sa COVID-19 sa buong bansa.

Maging ang reproduction number sa National Capital Region (NCR) at NCR Plus Regions ay nasa moderate risk na lang na mababa na sa 1.

Kaya naman sa kalagitnaan ng Pebrero, 10,000 kaso na lang ang maaaring maitala kada araw sa buong bansa at makakalahati pa ito sa katapusan ng buwan.

“Iyong projections sa mid to late February sa buong Pilipinas ang pino- project natin bababa na sa less than 10,000 in fact by late February I am expecting baka malapit na sa 5,000 cases per day na lang. Nakita naman natin na mabilis bumagsak ang bilang ng kaso ganoon sa South Africa at sa Metro Manila.” ani Octa Research Team Fellow, Prof Guido David .

Sa loob ng 2 linggo posibleng bumalik na sa low risk classification ang NCR. Hindi rin nakikita ng Octa, ang muling paglobo ng kaso sa mga susunod na buwan nguni’t kalakip pa rin dapat nito ang ibayong pag- iingat.

“Iyong resurgence sa ngayon Usec dahil nakita iyong B.A. 2 Omicron Subvariant andito na rin kumalat na rin so hindi ako ganoon ka-concerned sa resurgence, hindi naman sa sinasabing hindi dapat mag- iingat. Mag- iingat pa rin tayo,kapag nag- ingat tayo most likely hindi naman tayo magkakaroon ng major resurgence. As long as efficacious pa rin ang mga bakuna natin at patuloy na magpa- booster shots ang mga kababayan natin para tumaas ulit ang efficacy, protectional against the virus” ani Octa Research Team Fellow, Prof Guido David.

Samantala, nilinaw naman ng Octa Research Team na suportado nito ang pagbababa sa alert level 2 sa ilang lugar na bumaba na ang kaso ng COVID-19 kabilang na ang Metro Manila.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,