Pilipinas, nagsumite na ng diplomatic protest kaugnay sa Chinese vessel sa Pag-asa Island

by Radyo La Verdad | April 2, 2019 (Tuesday) | 3662

Malacañang, Philippines – Tinawag na exaggerated ng Malacañang ang ulat na may nasa 617 Chinese vessels umano ang lumilibot sa Pag-asa Island.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mula January hanggang March 2019, bumibilang sa 275 ang Chinese vessels lamang ang namataan batay sa ulat ng Western Command.

“They are just stationary there, kung minsan one day, kung minsan one week. Wala namang ginagawa, naka-standby lang dun,” ani Sec. Salvador Panelo ang Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel.

Ayon sa Palasyo, nagsumite na ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China hinggil dito.

Aminado naman si Panelo na dapat ikabahala ang ulat dahil may kinalaman ito sa seguridad ng bansa.

“I understand, we have already issues a diplomatic protest per the Western Command, the DFA has already made a diplomatic protest over that incident on the so called vessels being stationed there,” ayon kay Sec. Panelo.

Samantala, napaulat din na nagbabala na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga mangingisda na iwasan munang maglayag patungo sa Panatag Shoal upang maiwasan ang pagtaas ng tension.

Kasunod ito ng mga ulat ng pagtataboy umano sa mga Pilipinong mangingisda ng Chinese Coastguard kamakailan.

Ayon kay sec. Panelo, kung totoo ang ulat ay dapat sundin ang inilabas na abiso.

Ang mga isyung ito sa West Philippine Sea ay kabilang sa pinag-usapan ng mag-courtesy call si Chinese Ambassador Zhao Jinhua kay Secretary Panelo sa Malacañang.

Nanindigan naman ang Palasyo na concern ang pamahalaan sa mga usaping ito.

 “Anything that concerns the security of the Pilippines will always be a concern,” ani Sec. Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,