Pilipinas, may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng HIV infections sa Asya

by Radyo La Verdad | August 2, 2017 (Wednesday) | 5089

95% sa 270,000 bagong HIV cases sa buong mundo ay galing sa Asya batay sa ulat ng UN-Aids. Ang labis na nakakabahala dito, nangunguna na ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng sakit sa mga Asian Nation.

Ayon pa sa UN-Aids, tumaas ng 140% ang kaso ng mga nag- positibo sa sa bansa mula 2010 hanggang 2016. 83% nito ay kinabibilangan ng mga lalaki na nagkaroon ng sexual contact sa kapuwa lalaki.

ayon naman sa ulat ng epidemiology bureau ng doh, nasa 1,098 na bagong hiv cases sa bansa mula enero hanggang may 2017. Araw- araw, nasa dalawampu’t siyam ang naitatalang bagong kaso nito.

Kaya naman pinalakas pa ng doh ang mga hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng sakit. Maaari namang tumawag sa DOH hotline para sa mga katanungan ukol sa mga programa ng pamahalaan kontra HIV.

Hindi biro ang pagkakaroon ng HIV dahil na rin sa stigmang dala nito. Kaya payo ng DOH sa publiko na huwag pandirihan o layuan ang mga taong positibo sa naturang virus. bagkus dapat silang tulungan silang lumapit sa mga health professional upang magamot at magabayan.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,