Pilipinas, malaki ang potensyal na manguna sa farm tourism – Sen. Villar

by Radyo La Verdad | May 12, 2016 (Thursday) | 1509

JAPHET_SEN.VILLAR
Malaki ang potensyal na lalo pang umunlad ang farm tourism sa Pilipinas.

Ayon kay Senador Cynthia Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, dahil ito sa maraming likas na yaman, biological diversity at cultural heritage ng bansa.

Sa ngayon naipasa na ang Senate Bill 3003 o an act providing for the development and promotion of farm tourism in the Philippines and for other purposes at kailangan na lamang ang lagda ni PANGULONG AQUINO upang ganap na maging batas.

Sinabi ni Villar na malaking tulong ang farm tourism upang maiballik ang “glory days” sa agrikultura sa bansa at potensiyal nito na mapataas ang kita ng mga nasa sector ng agrikultura at maresolba ang problema sa urban mitigation.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,