104 bansa ang inatake ng mga terorista noong taong 2016.
Subalit limang bansa sa mga ito ang naitalang may pinakamaraming terrorist attacks kabilang na ang Pilipinas batay sa ulat na inilabas ng US State Department.
At sa mga pag-atakeng ito, pinakamaraming napaslang sa mga bansang Iraq, Afghanistan, Syria, Nigeria at Pakistan.
Sa kabuuan naman, naitala ang pagbaba sa bilang ng terrorist attacks at deaths kumpara noong taong 2015.
Gayunman, ayon sa Malakanyang, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang masolusyunan ang suliranin ng bansa sa terorismo.
Pangunahin ding nireresolba ng Duterte administration ang suliranin sa kahirapan at ang pagpapatupad ng usapang pangkapayapaan sa mga Moro groups.
Patuloy din ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa upang paigtingin ang intelligence at pagbabantay sa mga border nito kontra terorismo.
Rosalie Coz / UNTV Correspondent