Pilipinas at Singapore, pagtitibayin pa ang ugnayan sa pagbisita ni Singaporean President Halimah Yacob

by Erika Endraca | September 10, 2019 (Tuesday) | 12033

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang official welcome ceremony ng pamahalaan kay Singaporean President Halimah Yacob na nasa 5-araw na state visit sa bansa Kahapon (September 9) sa Malacanang.

Pasado alas-3 na kahapon ng dumating ang delegasyon ng Madame President. Inaasahang sa pamamagitan nito ay mapagtitibay pa ng 2 bansa ang 50-taong ugnayan.

Walong mga kasunduan ang napagtibay sa paguusap nina Pangulong Duterte at President Halimah kabilang na ang pagpapaigting sa ugnayan ng 2 bansa sa sektor ng seguridad, kalakalan at pamumuhunan.

“With mutual trust, respect, and abiding amity, I am confident that we will achieve our shared goals and aspirations for our peoples. We will forge ahead and bring our ties to even greater heights of [purposive] cooperation and friendship between the Philippines and Singapore.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

“There is room to further boost trade and investment flows. We hope on updating the Singapore-Philippines avoidance of double taxation agreement, the expansion of bilateral air transport agreement which will increase connectivity and create more opportunities for collaboration and growth.” ani President Halimah Yacob.

Si President Halimah ang kauna-unahang babaeng Singaporean President, unang malay head of state sa loob ng 47 taon at naging speaker ng parliament.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,