Phl consulate sa Jeddah, nagbabala sa mga OFW na mag-ingat kasunod ng serye ng suicide bombing sa Saudi Arabia

by Radyo La Verdad | July 6, 2016 (Wednesday) | 1264

SAUDI
Naglabas ng babala para sa mga Overseas Filipino Worker ang konsulado ng Pilipinas sa Jeddah Saudi Arabia matapos ang sunod-sunod na pagsabog sa bansa kahapon.

Payo ng konsulada, na umiwas muna ang paglabas at pagpunta sa mga matataong lugar kung wala rin lang importanteng lalakarin.

Nangyari ang pinakagrabeng pag-atake sa Medina kung saan apat na security officers ang nasawi at lima naman ang nasugatan.

(UNTV RADIO)

Tags: