Phl Army, magre-recruit ng halos 14,000 sundalo ngayong taon

by Radyo La Verdad | March 1, 2017 (Wednesday) | 1530


Kasabay ng mas pinagigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga teroristang grupo gaya ng Abu Sayyaf at New People’s Army nangangailangan ng karagdagang pwersa na aabot sa 13,910 na bagong mga sundalo ngayong taon ang Armed Forces of the Philippines.

Kabilang rin sa mga pwesto na kailangan ng bagong sundalo ay sa army infantry, artillery units, engineering, communication, logistics at iba pang administrative functions ng army.

Ang matatanggap sa recruitment bilang candidate soldier ay tatanggap ng buwanan kita na 16,852 pesos.

Kapag enlisted na bilang bagong private, ay aakyat na ito sa buwanang kita na 23, 204 pesos.

Bukod pa rito ang allowances at benepisyo na kanilang matatanggap.

Prioridad ng Philippine Army sa recruitment ang mga nagtapos ng kursong Military Science 43 at Advance ROTC, college graduates na may 72 units pataas.

Pede rin ang high school graduate pero dapat nagtamo ng technical at vocational skills na kinakailangan sa Philippine Army.

Ang mga aplikante ay maaring magtungo sa army recruitment centers sa Fort Bonifacio para sa Metro Manila, Camp Lapu-Lapu, Cebu City at Camp Evangelista sa Cagayan de Oro.

Inaabisuhan ang mga aplikante na magdala ng identification cards, NBI Clearance at iba pang hinihinging dokumento.

Para sa iba pang impormasyon at requirements ukol dito ay maaring bumisita sa website ng Philippine Army na www.army.mil.ph.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,