Phivolcs, may mga bagong equipment para mamonitor ang lindol at tsunami

by Radyo La Verdad | October 15, 2015 (Thursday) | 2019

PHIVOLCS
Nadagdagan ang mga equipment ng Phivolcs para sa pag-momonitor ng lindol at tsunami.

Ipinagkaloob ito sa ahensya ng Japan International Cooperation Agency o JICA.

Kabilang sa mga kagamitan ang 10 broadband strong motion seismometers, 36 strong motion seismometers, 19 na sea-level monitoring stations at 240 intensity meters.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, sa pamamagitan ng strong motion seismometers ay mas magiging accurate ang kanilang panukat kung gaano kalakas ang isang pagyanig lalo na ang mga major quake.

Maging ang kakaibang pagbabago sa lebel ng tubig – dagat o ang pagkakaroon ng tsunami ay mabilis na makikita sa pamamagitan ng sea-level monitoring stations.

Nagkakahalaga ang mga equipment na ito ng 800M Yen o P300M.

Ayon sa Phivolcs hindi naman nahuhuli ang Pilipinas sa ibang bansa sa kakayanang magmonitor ng lindol at tsunami.

Samantala, sa taon ding ito ay target ng Phivolcs na mailunsad ang fault finder web and mobile application.

Sa pamamagitan nito ay maaaring agad na malaman ng isang user kung gaano kalapit ang lugar sa faultline.

Mula nang ilabas ang valley fault system map ay tumaas ang lebel ng awareness ng publiko sa panganib ng lindol.

Dumami rin ang request sa ahensya para suriin ang kanilang lugar at maging ang mga humihingi ng seminar.

Ang normal na dami ng request sa loob ng isang taon ay nakuha lamang sa loob ng 2 buwan. ( Rey Pelayo / UNTV News )

Tags: ,