Phased Implementation ng limited Face-to-Face Classes sa Kolehiyo sa ilalim ng Alert Level System, aprubado na ng IATF

by Radyo La Verdad | November 18, 2021 (Thursday) | 295

METRO MANILA – Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang panukala ng Commission on Higher Education (CHED) na phased implementation ng limited face-to-face classes para sa lahat ng programs sa ilalim ng COVID-19 Alert Level System.

Sa December 2021 magsisimulang ang implementasyon ng phase one sa lahat ng higher education institutions sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 2.

Sa January 2022 naman ang phase two implementation kung saan kabilang ang HEIs sa alert level 3 areas.

Pahihintulutan lamang ang limited face to face classes sa alert levels 1, 2 and 3 kung masusunod ang ilang kondisyon tulad ng 50% indoor capacity, walang tutol ang local government unit na nakakasakop at kung fully vaccinated na ang teaching at non-teaching personnel at mga mag-aaral.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,