Petron, nagpatupad ng dagdag presyo sa LPG ngayong araw

by Radyo La Verdad | November 2, 2015 (Monday) | 1434

ITEM_PETRON
Nagpatupad ng dagdag presyo sa Liquefied Petroleum Gas o L-P-G ang kumpanyang Petron.

Epektibo kaninang ala-sais ng umaga, nagtaas ito ng dalawang piso at siyamnaput limang sentimos sa kada kilo ng L-P-G o katumbas ng tatlumput dalawang piso kada 11-kilogram na tangke.

Samantala, tumaas din ng piso at animnaput limang sentimo ang kada litro ng auto-LPG ng Petron.

Maliban dito, inaasahang magtataas din ito ng presyo sa ilang produktong petrolyo ngayong linggo.

Tags: ,