Petron, nagpatupad ng bawas sa presyo ng LPG

by Radyo La Verdad | March 1, 2017 (Wednesday) | 2185


Nagpatupad ng rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ang kumpanyang Petron ngayong unang araw ng Marso.

35-centavos ang ibinawas sa kada kilo ng Petron Gasul at Fiesta gas.

Katumbas ito ng three pesos and 85-centavos na rollback sa kada 11-kilogram cylinder.

Samantala bente sentimos naman ang ibinawas sa presyo ng kada litro ng X-tend Auto LPG.

Tags: , , ,