Ipinababawi na ng grupong Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pisong provisional roll back na iniutos nito noong Disyembre 2014, kaya naging P7.50 ang minimum na pasahe sa jeep.
Sa isinumiteng petition, ipinababalik na ng ACTO sa P8.50 ang regular na pasahe sa jeep para sa unang apat na kilometro .
Ayon kay ACTO President Efren de Luna, dapat nang ibalik sa P8.50 ang pamasahe sa jeep dahil sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Iginiit naman ni De luna na hindi taas-pasahe ang hinihiling nila kundi nais lamang ng mga ito na bawiin ang kanilang nawalang kita.
Tutol naman dito ang National Center for Commuter Safety and Protection, dahil hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang nakikitang pagbabago sa serbisyo ng ilang transport group.
Para kay Elvira Medina ang Presidente ng grupo, hindi makatwiran ang hinihinging fare recall ng ACTO.(Joan Nano /UNTV News)
Tags: ACTO President Efren de Luna, Alliance of Concerned Transport Organization, Elvira Medina, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, National Center for Commuter Safety and Protection