Petisyon laban sa discretionary funds na nakapaloob sa proposed 2015 National Budget, ihahain ni Lacson sa Korte Suprema

by Radyo La Verdad | July 15, 2015 (Wednesday) | 1241

PANFILO LACSON
Kukwestyunin ni dating Senador Panfilo Lacson sa Korte Suprema ang lump-sum o discretionary funds na nasa 2015 National Budget na umano’y maaring magamit sa kurapsiyon.

Ayon kay Lacson ang sinasabing discretionary funds na umaabot ng 423.9 o halos P424 billion ay maituturing na pork barrel funds na ideneklarang unconstitutional ng Supreme Court.

Masyado ding umanong malaki ang nasabing lump sum funds kung para lamang sa paghahanda sa kalamidad na magaganap sa bansa.

Dagdag pa nito hindi naman nawala ang pork barrel fund ng mga senador at kongresista.

Hindi naman nito sinabi kung sino-sinong mga mambabatas ang may pork barrel pa rin hanggang sa ngayon.

Ayon naman kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma isa sa mga mahalagang reporma na ipinapatupad ni Pangulong Aquino ay ang tapat at tamang paggamit ng pondo ng bayan.

Ito ay nakabatay sa napapanahong pagpasa ng pambansang budget na ipinatutupad taun-taon simula noong 2011.

Ang paggamit ng budget ng lahat ng ahensiya ay nakasaad sa website ng Department of Budget and Management na maaring puntahan at asahin ng publiko.

Dito nakalista ang status of allotment releases at status of disbursements, at report on utilization of cash allocation.

Sa ganitong paraan, naipapabatid sa mga mamamayan ang lahat ng pinaglaanan ng pondo na nakapaloob sa pambansang budget.

Tags: , ,