Sumuko kagabi sa Philippine National Police (PNP) si Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy.” Ito ay kaugnay ng kinakaharap na warrant of arrest sa Legazpi City, Albay bunsod ng kasong paglabag sa Republic Act no. 101-75 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Nag-ugat ito sa reklamo ng negosyanteng si Elizaldy Co, isa sa mga nabanggit sa “Ang Totoong Narcolist” viral video.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group-NCR Chief Col. Arnold Ibay, dakong alas-7 kagabi nang magtungo sa kanilang tanggapan si Advincula.
Tags: Bikoy, Peter Joemel Advincula