P/Dir. Ricardo Marquez, hinirang na bagong PNP chief

by dennis | July 14, 2015 (Tuesday) | 1075
DILG Sec. Mar Roxas at bagong PNP Chief Ricardo Marquez

DILG Sec. Mar Roxas at bagong PNP Chief Ricardo Marquez

Breaking – Hinirang bilang bagong PNP Director General si Police Director Ricardo Marquez ng Directorate for Operation.

Ito ang ipinahayag ni Interior Secretary Mar Roxas sa isinagawang press conference ngayong umaga sa Camp Crame, ika-14 ng Hulyo.

Opisyal na itatalaga si Marquez bilang PNP chief sa ika-16 ng Hulyo, na siya ring araw ng pagbibigay ng retirement honors kay outgoing PNP officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina.

Si Marquez, isang two-star police general, ay miyembro ng Philippine Military Academy class of 1982, ay pinili ni Pangulong Benigno Aquino III matapos ang ilang buwan ng pagusisa sa mga kandidato para sa pinakamataas na posisyon sa PNP.