PDEA, sasampahan na ng reklamo sa Ombudsman ang mga barangay official na masama sa narco list

by Radyo La Verdad | May 11, 2018 (Friday) | 3749

Isasampa ngayong umaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Office of the Ombudsman ang mga reklamong kriminal at administratibo laban sa mahigit dalawandaang barangay officials na kanilang pinangalanan na umano’y sangkot sa iligal na droga.

Ito ang una nang ipinangako ng PDEA nang ilabas nila ang narco list, dalawang linggo na ang nakalilipas na sasampahan nila ng kaso at reklamo ang mga ito bago ang barangay at SK elections sa ika-14 ng Mayo.

Ang pagsasampa ng reklamo sa Ombusman ay pangungunahan ni PDEA Director General Aaron Aquino at NCR Director Ismael Fajardo Jr.

Sa 207 barangay official na kasama sa narco list na nilabas ng PDEA, 90 dito ay pawang mga kapitan habang 117 naman ay kagawad.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,