PDEA, kinumpirmang nasa drug target list ang negosyanteng si Peter Lim

by Radyo La Verdad | August 4, 2016 (Thursday) | 992

pdea-facade
Kinumpirma na ng Philippine Drug Enforcement Agency na ang Peter Lim na nagtungo sa National Bureau of Investigation dalawang linggo na ang nakakaraan at ang nasa kanilang drug watch list ay iisa.

Batay sa pahayag na inilabas ng PDEA, ang naturang listahan ng mga targeted drug personalities ay resulta ng isinagawang intelligence gathering.

Sa ngayon ay hindi pa maaaring arestuhin si Lim dahil wala pang naisasampang kaso laban sa kanya.

Hinihintay na lang ng PDEA ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ng nbi sa Cebu based businessman at oras na may matibay nang ebidensya laban dito ay saka lamang ito makakasuhan sa DOJ.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,