PDAF Scam Whistleblower Benhur Luy, tumangging banggitin ang ibang mambabatas na hindi pa nakakasuhan sa PDAF Scam

by Radyo La Verdad | September 15, 2015 (Tuesday) | 1683

rose_benhur-luy
Tinanong ng isa sa mga justice ng Fifth division ng Sandiganbayan ang pangunahing testigo ng prosekusyon na si Benhur Luy kung sino-sino pa ang ibang mambabatas na sangkot sa PDAF scam sa pagpapatuloy ng pagdinig na makapagpiyansa ang dating mambabatas na si Edgar Valdez sa kasong plunder at graft.

Subalit, tumanggi si Luy na banggitin ang iba pang lawmaker na hindi pa nakakasuhan dahil umano sa kasalukuyan pang imbestigasyon na ginagawa ng DOJ at NBI.

Sa direct examination ng prosekusyon, muling ipinahayag ni Luy na utos ni Janet Lim Napoles ang pamemeke ng pirma sa mga resibo, liquidation documents at accomplishment reports na isinusumite ng mga bogus NGO ni Napoles sa government implementing agencies.

Nilinaw din ni Luy sa pagdinig na tanging siya lang ang may access at nasa kaniyang posesyon ang external hard drive kung saan naka-save ang
back up files ng mga transaksyon kabilang na ang daily disbursement record, draft ng endorsement, memorandum of agreement, project listings
maging ang mga transaksyon ng mga bogus NGO ni Napoles sa iba pang mambabatas.

Subalit, sinabi rin ni Luy sa korte na mula December 2012 hanggang March 2013, ay nawala sa kaniyang posesyon ang hard drive ng siya ay idetene ni Napoles.(Rosalie Coz/UNTV Correspondent)

Tags: , ,