PCG, kinumpirma ang standoff incident vs Taiwanese Coast Guard sa Batanes noong May 25

by Radyo La Verdad | June 3, 2015 (Wednesday) | 1104

PCG-1
Kinumpirma ni Philippine Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo ang nangyaring Standoff ng PCG-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Taiwan Coast Guard sa Batanes noong May 25.

Bandang alas -6:25 ng gabi nang pagbawalan ng mga operatiba ng PCG-BFAR na nagpapatrolya sa Hilagang Silangan ng Batanes ang isang Taiwanese fishing boat.

Subalit nang hinahatak na ng PCG ang fishing boat, sumaklolo ang Taiwanese Coast Guard cutter 118 at hinarang ang PCG-BFAR vessel at hiniling na hayaang maka-alis ang Taiwanese fishing vessel.

Tumagal ng 4 na oras ang negosasyon bago pumayag ang PCG-BFAR na makaalis ang bangka ng pangisda ng Taiwan.

Tags: