PCG at PH Navy, nakatakdang magsagawa ng technical diving sa posibleng pinaglubugan ng roro vessel

by Radyo La Verdad | January 11, 2017 (Wednesday) | 1927

cdre-raul-belesario
Nakatakdang magsagawa ng technical diving ngayong araw ang Philippine Coast Guard katuwang ang Philippine Navy sa posibleng pinaglubugan ng M/V Starlite Atlantic sa Batangas.

Ayon sa PCG, kung magiging maganda ang panahon ay pupuntahan ng mga technical diver ang lugar kung saan may na-detect ang hydrographic survey vessel.

Ito ay upang kumpirmahin kung ito nga ang lumubog na roro vessel noong kasagsagan ng Bagyong Nina.

Samantala mag-iinspeksyon naman mamayang hapon ang Special Board of Marine Inquiry sa barko na may kaparehong specification sa lumubog na M/V Starlite Atlantic upang magkaroon ng mas malawak na impormasyon dito.

Tags: , ,