PBBM, nagbabala sa mga dumudungis sa reputasyon ng mga pulis

by Radyo La Verdad | September 20, 2023 (Wednesday) | 8330

METRO MANILA – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang panunumpa sa tungkulin ng mga newly promoted  star rank officers ng Philippine National Police (PNP).

Kasabay nito, hinamon ng pangulo ang mga opisyal na manguna sa positibong pagbabago sa bansa.

Hinikayat rin niya ang mga ito na panatilihin ang kanilang integridad at ang kanilang commitment sa pagseserbisyo publiko sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng institusyon.

Nagbabala rin si Pangulong Marcos sa mga dumudungis sa reputasyon ng pulis.

“Mark my words, there will be no room for leniency for those who engage in acts that tarnish the reputation of our police and jeopardize the safety of our people. So to our new officers here, I urge to keep your integrity at all times and remain steadfast in your commitment to public service amidst the many challenges faced by your institutions.” Ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Tags: