PBBM, inanunsyo ang pagpapatupad ng libreng toll sa Cavitex sa loob ng 30 days

by Radyo La Verdad | June 24, 2024 (Monday) | 84

METRO MANILA – Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang pagpapatupad ng libreng toll sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) sa loob ng 30 araw.

Naniniwala si PBBM na malaki ang maitutulong nito sa motorista sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sinabi rin nito na malaki ang maitutulong ng mga connector road ng CAVITEX upang mabawasan ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ang Sucat Interchange ay 1.9 kilometers expressway na magdudugtong sa CAVITEX radial road mula Parañaque toll plaza hanggang Sucat interchange. May kapasidad itong 16,000 motorists araw araw.

Layon nitong paikliin sa sampung minuto ang biyahe mula Cavitex sa area ng seaside road hanggang Sucat road mula sa dating 45 minutes.

Aabot sa 8,000 motorista kada araw ang mapagsisilbihan nito.

Tags:

Flyover sa southbound ng Cavitex, maaari nang madaanan ng mga motorista

by Radyo La Verdad | August 3, 2018 (Friday) | 2610

Magiging malaking luwag sa biyahe ng papasok sa Cavite ang ginawang flyover sa southbound ng Cavitex na pinasimulan noong nakaraang taon.

Hindi na kinakailangan pang huminto sa dating traffic light ng mga motoristang papasok ng Cavite mula sa Parañaque at ng mga galing sa Cavite papasok ng Aseana.

Sa ngayon ay dalawang lane palang ng fly over ang maaaring madaanan ng mga motorista habang kasalukuyang ginagawa pa ang nalalabing dalawang linya nito.

Inaasahan naman na ngayong buwan ay matatapos ang unang bahagi ng Cavitex enhancement kung saan kabilang ang mga  ginagawang  road widening at ang binuksang flyover.

Asahan din ang karagdagang mga tollbooths sa Cavitex kung saan mas mabibigyang lunas ang traffic congestion sa Cavitex.

Hinikayat naman ni DPWH Secretary Mark Villar ang mga motorista na gumamit na ng RFID upang hindi na maabala pa sa mga toll booths.

Sa susunod na buwan ay pasisimulan na ang ikalawang bahagi ng Cavitex enhancement kung saan maglalagay ng brigde widening sa Wawa, Las Piñas area na tinatayang nagkakahalaga ng isang bilyong piso.

 

( Benedict Samsom / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

More News