PBBM, hinikayat ang mga opisyales ng LGU na panindigan ang husay sa pamamahala

by Radyo La Verdad | August 5, 2022 (Friday) | 2083

METRO MANILA – Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga opisyales ng Local Government Unit (LGU) na panindigan ang husay ng mga ito sa pamamagitan ng serbisyong publiko.

Sinabi ito ng pangulo sa ginanap na pagpupulong ng League of Cities of the Philippines nitong Martes (Agosto 2).

Ipinahayag ni PBBM na lagi niyang sinasabing nasa mga LGU ang ilan sa pinakamahuhusay sa pamahalaan at maaaring manguna ang mga ito sa pagbabago ng ating bansa mula sa ibaba, pataas.

Ipinabatid din ng pangulo sa nasabing pagpupulong ang pananalig at pag-asa nito na patuloy na magiging katuwang ng pamahalaan ang LGU sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

(Jasha Gamao | La Verdad Correspondent)

Tags: ,