PBA player na si Gilbert Bulawan, pumanaw na

by Radyo La Verdad | July 4, 2016 (Monday) | 1793
 Photo Courtesy: PBA IMAGES

Photo Courtesy: PBA IMAGES

Pumanaw na ang PBA player at team Blackwater forward na si Gilbert Bulawan sa edad ng 29-anyos.

Nag-collapse si Bulawan matapos makaranas na massive cardiac arrest habang nag-eensayo sa SG Stadium sa Araneta Avenue, Quezon City.

Naisugod pa sa Capitol Medical Center si Bulawan subalit idineklarang itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ilang taon sa PBA, si Bulawan ay 17th sa overall pick noong 2011 PBA Rookie Draft.

(UNTV RADIO)

Tags: ,