Patay dahil sa Habagat, umabot na sa 16 – NDRRMC

by dennis | July 15, 2015 (Wednesday) | 960
File photo

File photo

Umabot na sa 16 ang nasawi dahil sa pananalasa ng habagat sa bansa.

Batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, bukod sa mga nasawi, umabot na sa 11 ang naitalang sugatan habang apat pa ang nawawala mula sa Region I.

Apektado naman ang may 8,611 pamilya o 41,029 indibidwal sa Region III, IV-A, Cordillera at Maynila dahil sa habagat na pinalakas ng mga nagdaang bagyo.

Pumalo naman sa P3 milyon ang danyos sa agrikultura partikular na sa bigas at mais.