Nakakulong ngayon sa Guiginto Police Station ang isang matapos ireklamo ng mga magulang ng dalawang menor de edad dahil sa umanoy panghahalay.
Batay sa reklamo tatlong taon nang paulit – ulit na hinahalay ng pastor ang dalawang bata na naturingan pa naman nilang “ninong.”
Ayon sa dalawang bata, tinatakot umano sila ng pastor na kinilalang si Moises Alano, 55 years old at naninirahan sa Tuktukan, Guiguinto, Bulacan.
Bukod sa dalawang menor de edad, isa pang anim na taong gulang na batang babae ang nagreklamo na hinihipuan umano sya palagi ni Alano sa maseselang bahagi.
Mariin namang itinanggi ng suspect ang mga paratang sa kanya.
(Nestor Torres / UNTV Correspondent)