Passport, mas mabilis ng makukuha ng mga aplikante simula sa ika-1 ng Oktubre – DFA

by Radyo La Verdad | September 27, 2018 (Thursday) | 4658

Mas mabilis nang makukuha ng mga aplikante ang kanilang passport simula sa ika-1 ng Oktubre ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, sa mga nagsumite ng passport application sa DFA Consular Offices sa Metro Manila at nagbayad ng 950 piso na processing fee ay makukuha na nila ang kanilang passport makalipas ang 12 working days imbes na 15 working days.

Ang mga nagbayad naman ng express processing fee na 1,200 piso ay makukuha ang kanilang passport pagkatapos ng 6 to 7 working days sa halip na sampung araw.

Sa mga nag-aplay naman sa labas ng Metro Manila, maaring makuha ang kanilang passport pagkatapos ng 12 working days sa halip na dalawampung araw at seven working days naman sa halip sa sampung araw para sa expedited processing.

Pinag-aaralan na rin ng DFA kung paano mapapaiksi ang waiting time para sa passport application sa Philippine Embassies at Consulates sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Tags: , ,