Kanselado na ang pasok sa mga paaralan sa ilang probinsya sa Northern Luzon bilang paghahanda sa posibleng pananalasa sa bansa ng Bagyong Rosita
Sa abisong inilabas ng kani-kaniyang lokal na pamahalaan, suspendido na ang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan mula ngayong araw, ika-29 ng Oktubre hanggang sa Miyerkules, ika-31 ng Oktubre sa mga lalawigan ng Abra, Cagayan, Isabela at Ilocos Sur.
Tags: Bagyong Rosita, Northern Luzon, pasok