Walang areglong magaganap sa pagitan ng Grab driver na si Armando Yabut at sa pasahero nitong si Jinno Simon.
Si Yabut ang driver na binugbog ni Simon matapos ibalik ang naiwan nitong iphone sa pagaakalang ininteres ito ng Grab driver.
Kanina ay ipinakita rin ni Yabut sa media ang larawan ni Simon na ibinigay sa kaniya ng ilang concern citizens.
Ipinaliwanag rin ni Simon kung bakit hindi siya matawagan ni Yabut ang kaniyang numero na nakalagay sa kaniyang profile sa Grab.
Buo ang loob ni Yabut na ipagpatuloy ang kaso. Naisampa na kahapon ang kasong serious physical injury laban kay Simon ngunit pinag-aaralan sa ngayon ang paghahain ng iba pang reklamo.
Nag-viral sa internet ang litrato ni Yabut matapos bugbugin ni Simon noong Pebrero a-nwebe.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: Armando Yabut, GRAB driver, Jinno Simon