Parusa sa petty crimes, hindi na akma sa kasalukuyang panahon – Senado

by Radyo La Verdad | January 19, 2017 (Thursday) | 1390

drilon
Mahigit limampung preso ang maaaring makinabang sa isinusulong ngayon sa Senado na pag-aamenyanda sa revised penal code, partikular sa mga pagpapanagot sa mga maliiit na krimen o petty crimes.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments at Justice and Human Rights, nais nilang maglagay ng adjustment sa halaga ng property na maaaring patawan ng pagkakakulong.

Paliwanag ni Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon, 1930 pa nang maisabatas ang revised penal code at hindi na naaayon ang ilang probisyon nito sakasalukuyang panahon.

Paliwanag ng senador, ang pinakamahihirap nating mga kababayan ang makikinabang sa pag-aamyenda sa batas.

Magiging daan rin aniya ito para maging makatarungan ang hustisyang ipapataw sa lahat.

Sinegundahan naman ni Sen. Leila de Lima ang naturang panukala, maging ng mga taga Department of Justice at OFfice of the Ombudsman na naroon sa pagdinig.

Ayon kay sen. Franklin Drilon, inihahanda na nila ang committee report ukol ditto na layong maihain sa plenaryo bago matapos ang buwan.

Umaasa rin ang senador na maipapasa na ito bago mag-adjourn ang sesyon sa Hunyo.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,