Parking boy na hinihinlang drug pusher, arestado sa Quezon City

by Radyo La Verdad | July 19, 2018 (Thursday) | 1966

Nasukol ng mga operatiba ng Kamuning Police Station ang isang parking boy na hinihinalang nagtutulak ng droga sa Timog Avenue, cor. Mother Ignacia Avenue, pasado alas dyes kagabi.

Kinilala ang suspek na si Joseph Riba, 38 anyos na dati ng sumuko sa Oplan Tokhang ngunit hindi pa rin tumitigil sa bisyo.

Nagpanggap ang operatiba ng PNP na bumibili ng limang daang pisong halaga ng shabu kay Riba at nang magkabayaran dito na siya inaresto. Nakuha mula sa suspek ang tatlong maliit na sachet ng suspected shabu.

Samantala, pasado alas onse naman kagabi nang mahuli sa buy bust operation ang apat na nagtutulak umano ng droga sa Arayat Street, Barangay San Martin de Porres.

Target ng operasyon ang 39 anyos na si Rebecca Bautista na kasalukuyang nasa drug den kung saan ito nagbebenta.

Naaresto rin ang tatlong kasama nito na mga drug surrender na sina Richard Montarde, Orlando Toyogon at Luzviminda Dosel.

Ayon sa hepe ng QCPD Station-7 na si PSupt. Giovanni Caliao, tinuro ng kanilang naaresto ang pinagkukunan nito ng droga kayat natuklasan ang mga suspek. Nasabat sa mga suspek ang 22 sachet ng suspected shabu at drug paraphernalia.

Nakakulong na ang mga suspek sa Quezon City Police District na kakasuhan dahil sa iligal na droga.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,