Panukalang total ban sa waste importations, inihain sa Senado

by Radyo La Verdad | July 8, 2019 (Monday) | 2458

Isang panukalang-batas ang inihain sa Senado ni Senate Minority Leader Franklin Drilon upang tuluyang ipagbawal ang pag-aangkat ng basura kasama na ang mga recyclable materials.

Sa ilalim ng Senate Bill no. 18 o ang “Waste Importation Ban Act of 2019,” pagmumultahin o kaya’y maaaring makulong ng hanggang labindalawang taon ang mga mag-aangkat pa rin ng basura.

Hihilingin ni Senator Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-certify ito bilang urgent bill.

“There are countries which already banned importation of waste — China, Thailand, Vietnam, Malaysia, India — so we look the laws there, and we will also examine certain practices in local government units which have led to a good waste management practice,” ani Sen. Franklin Drilon.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,