Panukalang pagpapaliban sa SK Elections sa October 2016, nilagdaan na ni Pangulong Aquino

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 1402

IMAGE_UNTV-News_JULY232013_PHOTOVILLE-International_RITCHIE-TONGO_VOTERS-REGISTRATION

Aprubado na ni Pangulong Aquino ang panukalang pagpapaliban ng Sangguniang Kabataan Elections.

Batay sa nilagdaang Republic Act No. 10656, gaganapin ang SK Elections sa October 2016 kasabay ng Barangay Elections.

Oktubre 2013 dapat isinagawa ang SK Elections ngunit ipinagpaliban ito sa Pebrero 2015.

Nagdesisyon ang mga mambabatas na muling ipagpaliban ang halalan para maikasa ang isinusulong na reporma sa Sangguniang Kabataan.

Tags: , ,