Aprubado na ni Pangulong Aquino ang panukalang pagpapaliban ng Sangguniang Kabataan Elections.
Batay sa nilagdaang Republic Act No. 10656, gaganapin ang SK Elections sa October 2016 kasabay ng Barangay Elections.
Oktubre 2013 dapat isinagawa ang SK Elections ngunit ipinagpaliban ito sa Pebrero 2015.
Nagdesisyon ang mga mambabatas na muling ipagpaliban ang halalan para maikasa ang isinusulong na reporma sa Sangguniang Kabataan.
Tags: Pangulong Aquino, Republic Act No. 10656, SK Elections