Panukalang pagpapaliban ng barangay at SK elections, pasado na sa Senado

by Radyo La Verdad | September 21, 2017 (Thursday) | 3088

Pasado na sa third and final reading ng senado ang panukalang pagpapaliban ng October 23 polls. Ito ay matapos dumating sa kalagitnaan ng sesyon kahapon ang sertipikasyon na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na urgent bill ang polls postponement. Ang tanging tumutol sa pagpapasa ng panukala ay si Senator Risa Hontiveros.

Sa senate version ng polls postponement, tinanggal na ang kontrobersyal na probisyon ng pag-appoint ng Pangulo na mga officer-in-charge sa mga barangay. Itinulad na rin ng mga senador sa House version ang panukalang petsa kung kailan muling isasagawa ang eleksyon. Mula sa october 2018 ay ginawa na itong May 2018.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, kakausapin niya si  House speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Fariñas upang i-adopt na lamang ng Kamara ang senate version ng October polls postponement.

Ito ay upang hindi na kailanganin pa ang pagsasagawa ng Bicameral Conference Committee. Kapag naaprubahan ang panukalang batas, ito na ang ikalawang pagkakataong ipagpapaliban ang barangay at SK  elections.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,